3.9% December inflation rate pababain pa ng BBM-admin

Patuloy na pagsusumikapan ni Pangulong  Marcos Jr. na maibaba ang inflation o ang paggalaw ng presyo ng mga bilihin sa bansa.

Base sa ulat ng Phililpine Statistics Authority (PSA), nasa 3.9 porsiyento na lamang ang inflation o paggalaw ng presyo ng mga bilihin noong nakaraang buwan.

Ito na ang pinakamababang inflation na naitala noong nakaraang taon kumpara sa 4.1 porayento na naitala noong Nobyembre.

Ikinatuwa ni Pangulong Marcos Jr., ang patuloy na pagbaba ng inflation sa bansa.

“Patuloy ang pagsusumikap ng pamahalaan para pagandahin ang kalagayan ng ating ekonomiya,” pahayag ng Punong Ehekutibo.

Ayon pa kay Pangulong Marcos Jr.m, , ngayong bagong taon, lalo lang palalakasin ng administrasyon ang mga programa para sa agrikultura, at tututukan ang mga hakbang upang mapanatiling abot-kaya ang presyo ng pagkain at iba pang pangunahing bilihin.

Read more...