Lalaki arestado sa bomb joke sa Quiapo Church

MPD PIO PHOTO

Biro ngunit paglabag sa batas ang “bomb joke” at hindi marahil inakala ng isang 42-anyos na lalaki na makukulong siya sa kanyang “bomb joke.”

Ginawa ni Dennis Garcia, ng Quezon City, ang pagbibiro sa kaligtnaan ng pagselebra ng Banal na Misa sa Quiapo Church kaninang umaga.

Nabatid na isang deboto ang nagsumbong sa mga nagbabantay na pulis ukol sa pagbibiro ng isang lalaki na may bomba sa loob ng simbahan.

Sinabi ni Manila Police District director, Col. Thomas Ibay na nakakulong na sa Station 3 si Garcia dahil sa kasong paglabag sa PD 1727, na may kinalaman sa “bomb joke.”

Kasabay nito, nagbabala na rin si Ibay sa mga deboto ukol sa mga biro na maaring magdulot ng labis na pagka-alarma o sindak sa iba, lalo na sa Traslacion.

 

 

Read more...