Kaliwat-kanan ang mga selebrasyon ngayon kayat nagbilin si Senator Christopher Go sa publiko na maghinay-hinay sa kanilang mga kinakain.
Sinegundahan ng senador ang bilin ni Health Sec. Ted Herbosa na iwasan ang mga pagkain na mataba, matamis at maalat at siguruhin ang “balanced diet.”
Ito naman aniya ay upang makaiwas sa ibat-ibang sakit, lalo na ang diabetes na taglay na ng napakaraming Filipino sa kasalukuyan.
Paalala ni Herbosa maraming seryosong komplikasyon ang diabetes tulad ng atake sa puso, hypertension at organ damage.
“Pakinggan po natin ang ating Secretary of Health. Lalong lalo na po yung mga may karamdamam, may mga diabetes, iwasan po yung mga matatamis. Tsaka yung sabi nga ni Secretary, yung mga taba, kung bawal po sa inyo, iwasan po,” pakiusap ng namumuno sa Senate Committee on Health.
Kasabay nito, nabanggit din ni Go na iwasan o mag-ingat ng husto sa paggamit ng mga paputok ngayon Kapaskuhan.