Nagpahayag ng kanyang suporta si dating Senator Panfilo “Ping” Lacson sa pambansang-pulisya sa pagtanggi ng tigil-putukan sa New People’s Army (NPA).
Katuwiran ni Lacson mahina na ang puwersa na ng NPA dahil sa ikinasang kampaniya ng administrasyong-Duterte, gayundin ng mga puwersa ng gobyerno.
Diin ng dating hepe ng pambansang pulisya hindi dapat sayangin ang mga tagumpay ng gobyerno laban sa teroristang grupo.
Hindi dapat aniya bigyan pa ng pagkakataon ang NPA na makapagsanib ng natitira nilang puwersa at muling maghasik ng terorismo.
Ngunit, dagdag ni Lacson, kung susuko ang mga rebelde nararapat lamang na bigyan sila ng makatao at makatuwiran na pag-trato gaya ng ibang Filipino.
Ngunit kung itutuloy lamang nila ang kanilang armadong pakikibaka nararapat lamang na tugisin sila ng gobyerno.