985 na PDLs pinalaya na

 

Nasa 985 na persons deprived of liberty ang pinalaya ng Bureau of Corrections.

Ayon sa BuCor, pamaskong handog ito sa mga PDLs.

Sa naturang bilang, 232 ang nakalaya mula sa maximum security compound ng New Bilibid Prison (NBP), 238 mula sa medium security ng NBP, at 51 ang nakalaya mula sa minimum security ng NBP.

Nasa 156 PDLs ang galing sa Davao Prison and Penal Farm habang nasa 90 naman ang galing sa Correctional Institution for Women.

Nasa 11,000 na PDLs na ang nakalaya mula nang maupo sa puwesto si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.

 

Read more...