Tolentino sa gov’t agencies: Hands off kayo dapat sa IRR sa mga batas

Isinusulong ni Senador Francis Tolentino na tanggalin na ang kapangyarihan sa government agencies sa pagbalangkas ng implementing rules and regulations sa mga ipinapasang batas ng Kongreso.

Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Tolentino na nababago ang intensyon ng batas dahil sa IRR.

Kalimitan ayon kay Tolentino na pampagulo lamang ang IRR.

Trabaho aniya ng ehekutibo na ipatupad ang batas at hindi ang bumalangkas ng IRR.

Katunayan ayon kay Tolentino, ilang batas ang hindi naipatutupad dahil sa kawalan ng IRR.

Read more...