Tolentino kinumpirma ang pagbitiw sa Blue Ribbon Committee

Kinumpirma ni Senator Francis Tolentino ang planong pagbibitiw sa Senate Blue Ribbon Committee.

Ngunit nilinaw ni Tolentino na hindi resignasyon ang kanyang gagawin kundi pagtupad lamang sa kasunduan.

Aniya bago niya tinanggap na pamunuan ang naturang komite ay ibinigay niyang kondisyon sa pamunuan ng Senado na hahawakan niya ito ng isa’t kalahating taon lamang.

“Ang pagtupad sa kasunduan ay nakabatay sa aking malalim na paniniwala na ang pangako na maglingkod ng maikling panahon ay isang sagradong tungkulin sa paglilingkod sa bayan na dapat tuparin,” sabi ni Tolentino.

Nilinaw naman ng senador na patuloy niyang pamumunuan ang Senate Committee on Justice.

Dagdag pa niya kailangan pa rin ng ibayong atensyon ang pinamumunuan niyang Special Committee on Maritime and Admiralty Zones.

Samantala, ibinahagi ni Tolentino na sa mahigit isang taon na pamumuno niya sa BRC, isa sa nagawa ng komite ay irekomenda ang pag-amyenda sa Procurement Act at ang paglusaw sa Procurement Service ng Department of Budget and Management bunga ng ibat-ibang iskandalo,

 

Read more...