Ngayon Kapaskuhan, nais ni Deputy Minority Leader JV Ejercito na magkaroon ng tigil sa bangayan ang mga pulitiko. Hindi naiwasan ni Ejercito na magpahayag ng pagkadismaya sa mga bangayan na mga partido sa kadahilanan na nakaka-apekto na sa mga mamamayan. Aniya wala pang dalawang taon si Pangulong Marcos Jr., sa puwesto ngunit patindi na nang patindi ang pulitikahan. Sinabi ng senador na kailangan ng tunay na pagkakaisa upang maayos na maipatupad ang mga programa, gayundin sa pagharap sa mga problema. Sa mga nangyaring mainitang diskusyon, inamin ni Ejercito na naiiisip niya na maaring may kamay ang China sa awayan ng mga pulitiko kayat tama lamang na matigil na ito. Diin niya sa pagkawatak-watak ng mga lider ay sinasamantala ng China ang pagkakataon para sakupin ng husto ang West Philippine Sea (WPS).