Charter change malabong makalusot kasi ayaw ng maraming Filipino – Villar
By: Jan Escosio
- 1 year ago
Unpopular.Ito ang pagsasalarawan ni Senator Cynthia Villar ukol sa pag-amyenda sa 1987 Constitution.Sinabi ni Villar na malabong makalusot sa ngayon ang anumang pagtatangka na amyendahan ang Saligang Batas ng bansa dahil mayorya ng mga Filipino ay tutol dito.Reaksyon ito ng senadora ukol sa resolusyon ni Sen. Robinhood Padilla na nais naman mabago ang ilang probisyon sa Saligang Batas, kabilang na ang pagbabago sa termino ng presidente ar bise-presidente gayundin ang komposisyon ng Senado.Malabo, sa palagay ni Villar na mangyayari ito dahil sa kakulangan ng suporta sa ibang senador.Ukol naman sa isinusulong na Charter Change sa Kamara, ayon pa kay Villar, duda siya na malilimitahan lamang sa mga economic provisions ang pag-amyenda kapag ito ay nasimulan na.