Posibleng tumama sa kalupaan ng Davao Oriental o Surigao del Sur ngayon umaga ang bagyong Kabayan.
Sa 5am weather bulleting ng PAGASA, ang sentor ng bagyo ay nasa karagatan ng Caraga, Davao Oriental.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 65 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugso na 80 kilometro kada oras.
Kumikilos ito sa direksyon na 15 kilometro kada oras sa direksyon na kanluran hilagang-kanluran at ang malakas na hangin na dulot nito ay ramdam sa taas nito hanggang sa 420 kilometro mula sa gitna nito.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa mga sumusunod na lugar:
Dinagat Islands, Surigao del Norte kasama ang Siargao at Bucas Grande Islands, Surigao del Sur, hilagang bahagi ng Agusan del Norte (Kitcharao, Jabonga, Santiago, City of Cabadbaran, Remedios T. Romualdez, Tubay), timog bahagi ng Agusan del Sur (Trento, Bunawan, San Francisco, Rosario, Prosperidad, City of Bayugan, Sibagat), at hilagang bahagi ng Davao Oriental (Boston, Cateel)
TCWS No. 1
Luzon
Silangan bahagi ng Palawan (Sofronio Española, Brooke’s Point, Bataraza, Balabac, Rizal, Quezon, Narra) at Cagayancillo Islands
Visayas
Southern Leyte, Leyte, ang Timog Samar (Basey, Santa Rita, Marabut, Talalora, Villareal, Pinabacdao), timog ng Eastern Samar (Maydolong, City of Borongan, Quinapondan, Guiuan, Lawaan, Balangiga, Llorente, Giporlos, Salcedo, Balangkayan, General Macarthur, Hernani, Mercedes), Cebu kabilang ang Camotes at Bantayan Islands, Bohol, Siquijor, Negros Oriental, Negros Occidental, at Guimaras
Mindanao
Ang natitirang bahagi ng Agusan del Norte, natitirang bahagi ng Agusan del Sur, ang gitnang bahagi ng Davao Oriental (Baganga, Manay, Caraga, Tarragona, Lupon, Banaybanay), Davao de Oro, Davao del Norte, Davao City, Camiguin, Misamis Oriental, Bukidnon, Misamis Occidental, Lanao del Norte, Lanao del Sur, hilagang bahagi ng Maguindanao del Norte (Buldon, Barira, Matanog, Parang, Sultan Kudarat, Sultan Mastura), hilagang bahagi ng Cotabato (Arakan, Carmen, Banisilan, Alamada, President Roxas, Kabacan, Matalam, Antipas, Magpet, Libungan, Pigkawayan), hilaga at gitnang bahagi Zamboanga del Norte (Siayan, Sindangan, Jose Dalman, Manukan, Pres. Manuel A. Roxas, Sergio Osmeña Sr., Katipunan, Dipolog City, Polanco, Mutia, Piñan, Dapitan City, Sibutad, La Libertad, Rizal, Siocon, Baliguian, Gutalac, Labason, Kalawit, Tampilisan, Liloy, Salug, Godod, Bacungan), Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay.
Inaasahan na magdudulot ng malakas na pag-ulan ang bagyo sa Surigao del Sur, Surigao del Norte, Dinagat Islands, Agusan del Sur, at sa hilagang bahagi ng Davao del Norte, Davao de Oro, at Davao Oriental.
Magiging maulan din sa Central Visayas, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Zamboanga del Norte, Northern Mindanao, Davao City, Cotabato, Lanao del Sur, at natitirang bahagi ng Caraga, Davao Oriental, Davao de Oro, at Davao del Norte.
Pagtama nito sa kalupaan, inaasahan na tatawid ito sa Mindanao bago lalabas sa Sulu Sea ngayon hapon o gabi, bago ito ito muling tatama sa kalupaan ng gitna o timog Palawan bilang tropical depression bukas ng umaga o hapon at lalabas sa West Philippine Sea.