“Big transport strike” ibinabala ng PISTON

JAN ESCOSIO PHOTO

Nagbanta ang Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) na maglulunsad ng mas malaking transport strike kung paninindigan ng gobyerno ang December 31 deadline para sa public utility vehicles (PUVs) consolidation.

“Kung talagang hindi tayo pakikinggan, yung ating kahingian, ay muli tayong, muling magpaplano ng isang mas malapad na pagkilos,” ani PISTON National President Mody Floranda.

Ngayon ang ikalawang araw ng panibagong tigil-pasada ng mga miyembro ng PISTON.

Hindi nito nabanggit kung ikakasa nila ang kanilang plano bago sumapit ang itinakdang deadline.

Inanunsiyo na ni Pangulong Marcos Jr., na hindi na palalawigin ang deadline ng konsolidasyon ng mga grupo ng mga PUV operators at drivers para sa gagawing ruta na bahagi naman ng PUV Modernization program.

Read more...