Sen. Bong Go nanawagan ng pagsusuot muli ng mask

OSBG PHOTO

Bunga nang pagtaas ng bilang ng mga nahahawa ng 2019 coronavirus, nanawagan si Senator Christopher Go sa publiko na magsuot muli ng mask.

Katuwiran niya, mabisa ang mask sa panlaban sa iba pang sakit.

Aniya bagamat boluntaryo na lamang ang pagsusuot ng mask, maliban sa mga pasilidad pangkalusugan, makakabuti para sa lahat ang ibayong pag-iingat.

Maging ang mga malulusog dapat din magsuot ng mask kung hindi rin naman nagiging sagabal.

Banggit ng namumuno sa Senate Committee on Health na maari silang magpatawag ng pagdinig upang alamin sa Department of Health (DOH) ang mga paghahanda sakaling tumaas muli ang COVID 19 cases sa bansa.

Read more...