Ibinahagi ito ni National Economic and Development Authority (NEDA) Sec. Arsenio Balisacan at aniya makikipag-ugnayan sila sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mas mabilis at malawak na pamamahagi ng pagkain.
Ukol naman sa importasyon ng mga pagkain, makikipagtulungan sila sa Department of Agriculture (DA).
Ang mga ito aniya ay para mapanatili ang suplay ng mga pangangailangan.
Sa pagtataya ng mga eksperto mararamdaman ang epekto ng El Niño hanggang sa unang kalahati ng susunod na taon at maaring maapektuhan ang 65 lalawigan.
Banggit pa ni Balisacan na kumikilos na ang El Niño Task Force para sa ugnayan ng mga kinauukulang ahensiya sa layon na hindi lubos na maramdaman ang epekto nito sa suplay ng tubig, kalusugan at kaligtasan.
Pinalawig na rin ang pansamantalang pagbawas sa taripa ng mga pangunahing produktong pang-agrikultura tulad ng karne ng baboy, mais at bigas.