Sen. Francis Tolentino binitawan ang Senate Blue Ribbon Committee?

Umugong ang balita na nagbitiw na si Senator Francis Tolentino bilang pinuno ng Senate Blue Ribbon Committee.

Ngunit tumanggi si Tolentino na kumpirmahin ito o kahit itanggi.

Aniya sa kasalukuyan ay nasa Amerika siya para sa mga mahahalagang pakikipagpulong.

May mga impormasyon na umalis na ang kanyang staff sa kanilang espasyo sa Blue Ribbon Oversight Committee Office.

Samantala, ibinahagi ni Senate President Juan Miguel Zubiri na wala pa siyang natatanggap na resignation letter ni Tolentino para sa naturang posisyon.

Nang tanggapin ni Tolentino ang posisyon noong nakaraang taon, sinabi nito na higit isang taon lamang niyang pamumunuan ang komite dahil kailangan niyang paghandaan ang kanyang reelection bid.

Read more...