Inilunsad na ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang kanilang bagong electronic lottery o e-lotto.
Si PCSO General Manager Mel Robles ang nagpaliwanag ng e-lotto na aniya ay digital version ng tradisyunal na lotto.
Aniya sa e-lotto mas magiging madali at mabilis na ang pagtaya sa lotto sa pamamagitan ng pagpili ng mga kombinasyon ng mga numero para makuha ang jackpot prize.
Dagdag pa ni Robles, ang bagong bersyon ng online lotto ay panlaban sa mga illegal online number games na umaagaw ng kita ng gobyerno.
Kumpiyansa ang opisyal na maghahatid ng karagdagang kita sa PCSO ang e-lotto kayat mas mapapaigting ang kanilang mga programang pangkawanggawa.
Ang e-lotto ay nasa website ng PCSO at sa susunod na taon ay malalaro na ito sa cellphone.
Ayon pa rin kay Robles, isang taon ang test run ng e-lotto.