COVID 19 lessons gamitin sa “walking pneumonia” – Sen. Nancy Binay

Hinikayat ni Senator Nancy Binay ang gobyerno na gamitin ang lahat ng leksyon ng pandemya dulot ng COVID 19 sa nararanasang “respiratory diseases” sa kasalukuyan, kasama na ang tinatawag na “walking pneumonia.”

Ito aniya ay upang hindi na maulit ang public health crisis.

“Sana gamitin natin ang mga lessons na napulot natin dito oara ma-manage nang mabuti ang mga nakakahawang sakit at hindi na naman maging public health emergency,” aniya.

Dagdag pa nito, sa mataas na bilang ng mga kaso ng “respiratory illneses” at ito ay inaasahan na tataas hanggang sa pagpasok ng bagong taon, kailangan ay maglatag na ang gobyerno ng mga kinauukulang hakbang upang hindi masagad ang public health system.

Sinegundahan din niya ang panawagan ng Health Department sa publiko na istriktong sumunod sa minimum public healrh protocols upang makaiwas o mahawa ng sakit lalo na ngayon Kapaskuhan.

Makakabuti, dagdag pa ng senadora, na kapag nakakaranas na ng mga sintomas ay umiwas na sa mga pagtitipon.

“But if we really must go, maging responsible sana tayo and practice cough etiquette and other public health protocols para maprotektahan qang mga makakasalamuha natin,” dagdag pa ni Binay.

Read more...