Ipinadedeklara ni Senate Deputy Majority Leader JV Ejercito na “persona non grata” si Chinese Ambassador Hung Xilian kasunod nang panibagong insidente sa West Philippine Sea (WPS).
Diin pa ni Ejercito dapat na pabalikin na rin sa China si Huang.
Sinabi ng senador na ang “combative statement” ng opisyal ng top Chinese diplomat sa bansa ay hindi nakakatulong sa sitwasyon sa katuwiran na kailangan ay isang tao na makakayang pakalmahin ang sitwasyon.
Igiin din ni Ejercito na hindi maituturing na “isolated case” ang paggamit muli ng water cannon ng Chinese Coast Guard.
Ito aniya ay “pattern of bullying” dahil paulit-ulit na lamang itong nangyayari sa mga Filipino sa loob ng malinaw na teritoryo ng Pilipinas.
Gayundin ang paggamit ng China ng “long range acoustic device” na ang intensyon ay guluhin ang komunikasyon at navigation ng mga sasakyang-pandagat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Kinondena din ni Ejercito ang paglalatag ng China ng inflatable boats para maitaboy ang mga mangingisdang Filipino, na naghihintay lamang ng kanilang suplay.
Kayat inulit niya ang panawagan sa mabilis na modernisasyon ng hukbong-sandatahan ng bansa at palakasin ang sistemang pang-depensa.