Go nanawagan ng ibayong suporta sa NTF-ELCAC

OSBG PHOTO

Iginiit ni Senattor Christopher Go na napakahalaga na patuloy na suportahan ang mga programa ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC). Katuwiran ng senador, ito ay upang mahikayat ang mga rebelde na magbalik-loob na sa gobyerno at iwan na ng tuluyan ang armadong pakikiabaka. Apila pa ni Go sa Malakanyang na pagtibayin ng husto ang mga programa ng NTF-ELCAC, partikular na ang Balik-Loob o Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP). Dagdag pa ng nagsisilbing vice-chairperson ng Senate Committee on National Defense, nakakatulong ang mga programa ng task force para din mapaunlad ang mga kanayunan at mabubura ang simpatiya sa mga rebelde. Sabi ng senador, kahirapan ang pangunahing ugat kayat nananatili ang pakikipaglaban ng mga kasapi ng New Peopel’s Army (NPA) sa gobyerno, gayundin ang inaasakala nilang pagpapabaya ng gobyerno.

Read more...