Isinagawa muli ng pamilya Villar ang kanilang tradisyon na Villar Christmas party at ito ay ginanap sa Villar Children’s Farm sa Bacoor City, Cavite.
Ito ang ika-14 edisyon ng pagbibigay kasiyahan ng pamilya Villar sa 50 bata mula sa Baseco sa Tondo, Maynila at ang okasyon ay pinangunahan nina dating Senate President Manny Villar, Senators Cynthia at Mark Villar at Vistaland Holdings President at CEO Paolo Villar.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Sen. Cynthia Villar na ang tradisyon ng kanilang pamilya ay isang paraan na rin ng pagbabahagi nila ng mga natanggap na biyaya.
“Christmas has always been a special time especially for the children. This event is just one of our family’s way of giving back to the Filipino people. We hope through this celebration, we are able to spread joy to the kids and their families this holiday season,” aniya.
Ayon naman kay dating Senate President Manny Villar ang okasyon ay simbolo ng pagmamahal at pag-aalaga ng kanilang pamilya sa mga batang nagmula sa mahihirap na pamilya.
“We want to make them happy in our simple way during this holiday season. We also like them to have fun with us and their new found friends at Villar Children’s Farm,” sabi nito.
Bukod sa magic show, paglalaro ng parlor games, naranasan din ng mga batang Baseco ang ilang advetures, gaya ng horse-back riding at zipline, bukod pa sa inilibot sila sa Villar Children”s Farm.