Sakura inspired na Amurao Steps sa Mabini, Batangas, bukas na sa publiko

 

May panibagong toursit attraction sa Anilao East, Mabini, Batangas.

Ito ay matapos pasinayaan nina dating Mayor Ruben Amurao, mga Konsehal na sina Kristen Boseta, Reynaldo Abanardo at dating Konsehal Bong Alcayde ang Amurao Steps.

Ayon kay Amurao, ginawang Sakura inspired ng bansang Japan ang Amurao Steps.

Nabatid na itinayo ang naturang hagdan noon pang 1955 sa layuning matulungan ang mga estudyante na maayos at kimportableng makapapasok ng ligtas sa eskwela.

Inayos ang Amurao Steps sa tulong ng Classic Haus Construction at B.H. Anilao East.

Malaki naman ang pasasalamat ng mga residente sa lugar dahil malaking tulong ito sa mga estudyante.

Picture perfect na rin ang Amurao Steps at patok sa mga social media gaya ng Instagram.

 

 

Read more...