Dating San Juan, Abra mayor Marco Bautista itinalagang PCGG commissioner

 

(San Juan, Abra LGU)

 

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Marco Bautista bilang commissioner ng Presidential Commission on Good Government,

Nanumpa na sa tungkulin si Bautista sa harap ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa Malakanyang.

Si Bautista ay dating mayor ng San Juan, Abra.

Si Bautista ay nagtapos sa kursong civil engineer sa University of Santo Tomas.

Nagtapos din si Bautista sa kursong abogasya at nakapasa sa Bar examinations noong 1990s.

Nagsilbi rin si Bautista bilang Undersecretary ng Department of Tourism at naging nominee at Turismo Partylist.

 

 

 

Read more...