Pilipinas nakasungkit ng apat na parangal sa World Travel Awards

 

Apat na parangal ang nasungkit ng Pilipinas sa World Travel Awards 2023 sa Dubai.

Ayon sa Presidential Communications Office, kabilang sa mga award na nasungkit ng Pilipinas ang Global Tourism Resilience Award, World’s Leading Dive Destination at World’s Leading Beach Destination.

Nanalo naman ang Maynila bilang World’s Leading City Destination.

Una nang sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kailangang palakasin ang turismo ng bansa matapos bumagsak dahil sa pandemya sa COVID-19.

Ilang beses nang inilako ni Pangulong Marcos ang Pilipinas sa mga biyahe sa abroad na bisitahin ang mga tourist attraction sa bansa.

 

 

Read more...