2 hinihinalang drug puskers patay sa shootout sa Laguna

crime-sceneDalawang hinihinalang drug pushers ang nasawi matapos na manlaban sa mga otoridad sa Sta. Rosa, Laguna kaninang umaga.

Isisilbi sana ng mga pulis ang warrant of arrest kay Ron Ryan Barroga sa kinakaharap niyang kasong murder.

Si Barroga ay number 1 most wanted sa listahan ng Sta. Rosa police.

Isinagawa ang pagsisilbi ng arrest warrant sa NIA Road sa Barangay Caingin kung saan madalas umanong isinasagawa ng suspek ang kaniyang illegal drugs transactions.

Ayon kay Police Supt. Reynaldo Maclang, hepe ng Sta. Rosa Laguna Police, pumalag si Barroga at ang kaniyang kasabwat na si Jerome Garcia nang sila ay aarestuhin na ng mga pulis dahilan para mauwi sa shootout ang pagsisilbi sana ng warrant of arrest.

Ayon kay Reynaldo Capule, Barangay tanod sa Barangay Caingin, maliban sa mga transaksyon sa droga, may mga record din si Barroga at Garcia hinggil sa isinasagawa nilang pangho-holdap.

 

 

Read more...