Bagong DND secretary, nagsimula nang magtrabaho

Inquirer Photo | Frances Mangosing
Inquirer Photo | Frances Mangosing

Pormal nang nanungkulan sa pwesto si bagong Department of National Defense (DND) Secretary Maj. Gen. Delfin Lorenzana.

Biyernes ng umaga, ginawaran si Lorenzana ng arrival honors pagdating nito sa Camp Aguinaldo sa Quezon City.

Kahapon pormal na isinalin ang pamunuan ng kay Lorenzana.

Sa isinagawang simple at maikling seremonya, isinalin ni Secretary Voltaire T. Gazmin ang pwesto kay Lorenzana DND Lobby sa Camp Aguinaldo.

Present sa seremonya ang iba pang DND officials at personnel kabilang ang mga outgoing at incoming Undersecretaries, top officials ng AFP at DND Civilian Bureaus.

 

 

Read more...