Pasig City Mayor Vico Sotto positibo sa COVID-19

(Mayor Vico Sotto FB)

 

Nag-positibo sa COVID-19 si Pasig City Mayor Vico Sotto.

Ayon sa Facebook post ni Sotto, sinabi nito na mild symptoms lang naman ang kanyang naranasan kung kaya agad na sumailalim sa antigen test.

Humingi ng pasensta si Sotto sa mga taong naka-schedule sana sa meeting sa loob ng linggong ito.

“Ayaw niyo rin naman siguro ako ka-meeting habang tumutulo sipon ko haha. Sunod pa rin tayo sa protocol, postponed/via zoom muna lahat hanggang mawala ang sintomas,” pahayag ni Sotto.

Payo ni Sotto, patuloy na magsuot ng facemask lalo’t ayon sa ulat ng Department of Health ay tumataas na naman ang kaso ng COVID-19 sa bansa.

 

Read more...