Mga senador hihiling ng executive briefing kaugnay sa MSU Advent massacre

 

Nais ng mga senador na magkaroon ng executive session kasama ang mga defense, security at intelligence officials kaugnay sa nangyaring pambobomba sa Misa sa Mindanao State University (MSU) sa Marawi City noong nakaraang araw ng Linggo. 

Inatasan ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang kalihim ng Senado na imbitahan ang mga opisyal ng Department of National Defense, Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, National Security Council, at National Intelligence Coordinating Agency para sa isang executive session bukas, Miyerkules. 

Bago ito, nagbigay ng privilege speech si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa kaugnay sa insidente, na nagresulta sa pagkamatay ng apat na katao at pagkakasugat ng higit 40 iba pa.

Si Deputy Majority Leader JV Ejercito ay naghain ng resolusyon ng matinding pagkondena sa pambobomba.

Hinimok niya ang mga awtoridad na papanagutin ang mga responsable upang mabigyan ng katarungan ang mga biktima.

Nagpalabas din ng kanya-kanyang pahayag ng pagkondena sa pangyayari ang mga senador.

Read more...