PNP bumuo ng special probe team para sa MSU Advent blast

Inanunsiyo ni PNP Chief Benjamin Acorda Jr., ang pagbuo ng Special Investigation Task Group (SITG) para sa pag-iimbestiga sa naganap na pagsabog sa Mindanao State University gymnasium sa Marawi City kahapon.

Ayon kay Acorda Jr., ang SITG ay pamumunuan ni Lanao del Sur Police director, Col. Robert Daculan.

Nabanggit din ng hepe ng pambansang pulisya na dinadagdagan na ang presensiya ng mga sundalo bukod pa sa naunang augmentation force mula din sa Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa pinaigting na seguridad sa MSU at matiyak ang kaligtasan ng lahat.

“We want to bring back normalcy as soon as possible, and we are keeping our assurance sa mga estudyante at  school officials that the PNP and AFP as the security forces are here. We are ready, and we will do our best,” aniya.

Dagdag pa ni Acorda na inaalam pa rin nila ang maaring motibo sa pagpapasabog, ang ginamit na pampasabog at ang mga persons of interest.

Sinabi naman ni Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) director,  Brig. Gen. Allan Nobleza ikinukunsidera na ang insidente ay nag-ugat sa pagkakapatay sa 11 miyembro ng Dawlah Islamiyah-Maute Group sa mga engkuwentro sa Datu Hoffer Ampatuan, Maguindanao.

Gayundin aniya ang pagkakapatay sa isang Abu Sayyaf bomber sa Basilan.

Hindi rin isinasantabi ang posibilidad ang kaugnayan sa pagkakapatay kay DI-MG sub-leader Alandoni Macadaya Lucsadato sa isang engkuwentro sa Piagapo, Lanao del Sur.

 

Read more...