Law enforcement agencies kinalampag ni Binay sa MSU bombing

Sinabi ni Senator Nancy Binay na dapat ay paganahin ng husto ng law enforcement agencies ang kanilang intelligence network para malaman ang tunay  na responsable sa pagpapasabog sa Marawi State University (MSU) sa Maraw City kahapon.

Nararapat lamang, ayon kay Binay, na palakasin ang intelligence effort ng mga kinauukulang ahensiya para mapigilan ang mga katulad na balakin ng ibat-ibang terror groups sa bansa.

Naniniwala si Binay na para sa lahat ang maraming Filipino at hindi padadaig sa anumang pagbabanta o uri ng pananakot.

Samantala, umaasa si Sen. Grace Poe na prayoridad ng mg awtoridad ang pagtukoy sa nasa likod ng pagpapasabog ng improvised explosive device (IED) sa Dimaporo Gym ng MSU.

Hinikayat niya ang lahat ng maging mapagmatyag sa paligid para mapigilan ang anumang masamang balakin para mayanig ang kapayapaan at kaayusan.

Read more...