Kongresista sa unang distrito ng Sulu, pumanaw dahil sa karamdaman

Tupay Loong
Photo from OPAPP

Tuluyan nang namaalam alas 2:00 ng madaling araw ng Biyernes si Congressman Habib Tupay Loong ng unang distrito ng Sulu dahil sa isang matagal ng karamdaman.

Sinasabing comatose ito noong campaign period subalit nanalo pa rin sa halalan.

Si Loong ay isa sa mga longest serving leaders ng Sulu.

Naging gobernador siya ng Sulu sa loob ng tatlong termino, mula1984 hanggang1988, 1988 hanggang1992, at 1992 hanggang1996.

Siya ay isa sa mga nagtatag ng Moro National Liberation Front (MNLF) at naging kumander pa ng grupo subalit kumalas ito at pito pang kasamahan noong 1974 upang umanib sa gobyerno. Ang grupong ito ay mas kilala bilang Magic 8.

Kilala rin si Loong bilang isang kaalyado ng Corazon Aquino administration.

Humawak din siya ng matataas na posisyon sa gobyerno bilang presidential assistant for Muslim Communities noong 2004, Undersecretary ng Office for External Affairs na itinatag sa bisa ng isang Executive Order, at muli bilang presidential assistant for Muslim Communities noong 2006.

 

 

Read more...