Gusali nasunog sa Makati City

Kuha ni Rose Cabrales
Kuha ni Rose Cabrales

Tinupok ng apoy ang isang tatlong palapag na gusali sa Makati Avenue kanto ng Jupiter Street sa Makati City, Biyernes ng umaga.

Nagsimula ag sunog bago mag alas 5:00 ng umaga na agad iniakyat sa 3rd alarm, alas 5:03 ng umaga.

Dahil sa nasabing sunog, hindi nadaanan ang isang linya ng Makati Avenue kanto ng Jupiter Street kung galing sa bahagi ng Mandaluyong.

Habang isinara naman ang nasabing kalsada sa mga motorista na galing sa bahagi ng Buendia at patungo sa Mandaluyong.

Alas 6:19 ng umaga nang ideklarang under control na ang nasabing sunog.

Inaalam pa ng mga bumbero kung ano ang pinagmulan ng apoy.

 

Read more...