Bukas, Disyembre 5, ilalabas ng Korte Suprema ang resulta ng mga pumasa sa 2023 Bar examinations.
Inaasahan na bago mag-tanghali iaanunsiyo sa Supreme Court compound ang mga Bar topnotchers gayundin ang mga bagong abogado.
Ipo-post din ang listahan ng mga pumasa sa website ng Korte Suprema, maging sa kanilang social media accounts.
Isasagawa naman ang oath taking at pagpirma sa Roll of Attorneys sa Disyembre 22 sa SMX Convention Center sa Pasay City.
Kabuuang 10,387 sa 10,791 registered examinees ang natapos ang tatlong araw na Bar exams, noong Setyembre 17, 20 at 24.
Si Associate Justice Ramon Paul Hernando ang chairperson ng 2023 Bar examinations committee.
MOST READ
LATEST STORIES