Mga mahihirap, pwedeng makitulog sa Malacañang-Duterte

 

Ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na bukas ang Malacañang sa mga mahihirap na nais bumisita, o maging sa mga nais makitulog doon.

Sinabi ito ni Duterte sa kaniyang talumpati sa Delpan Sports Complex, kung saan siya ay nakisalamuha sa mga mahihirap na taga-Tondo at mga kalapit na lugar upang makapagpasalamat sa kanila at dinggin ang kanilang mga pangangailangan.

Dumating doon si Duterte alas-8:41 ng Huwebes ng gabi pagkatapos ng kaniyang inagurasyon at pakikipagpulong sa mga miyembro ng kaniyang Gabinete.

Inulit rin niya ang pangako niya na gagamitin niya ang mga kita ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) para mapaganda ang lagay ng kalusugan ng mga naghihirap na mamamayan.

Sisikapin rin niya aniya na makapag-aral ang lahat ng mga batang nasa mahihirap na pamilya.

Hinimok rin sila ni Duterte na makipagtulungan sa mga pamahalaan.

Read more...