Siyam na crew ng barko nailigtas ng PCG

 

Nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang siyam na crew ng nagkaaberya na MV Chacha 101 sa karagatan ng Ambulong Island, San Jose Occidental Mindoro.

Ayon sa PCG, galing ng San Jose ang cargo fish carrier at patungo sana sa Calandagan, Palawan nang masiraan ng makina.

Agad na nagsagawa ng rescue operation ang PCG at nailigtas ang siyam na crew.

Dinala na ang siyam na crew sa Caminawit port.

Pinayuhan ng PCG ang Kapitan ng barko na maghain ng marine protest sa loob ng 24 oras at kumuha ng certificate of seaworthiness sa Maritime Industry Authority (MARINA) bago bumalik sa operasyon.

 

Read more...