Climate Change bill lusot na sa Kamara

 

Inaprubahan na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa ikatlo at pinal na pagbasa ang ang panukala ukol sa “climate change emergency.”

“We must acknowledge that there is a climate change emergency and take steps to stop it or mitigate the effects,” ani Speaker Martin Romualdez.

Aniya todo-suporta siya sa panukala dahil siya mismo ay naranasan ang matinding pinsalang idinulot ng suprtyphoon Yolanda noong 2013 at diin niya umaasa siya na hindi na mauulit ang mga lubhang mapaminsalang kalamidad.

Nakapaloob sa House Bill 9084 ang pagbuo ng Climate Change Resiliency and Adaptability Program para sa makabuo at makapagpatupad ng mga solusyon upang mabawasan ang epekto o hindi lubos na maramdaman ang mga epekto ng climate change.Ang programa ay pangangasiwaan ng Climate Change Commission sa tulong ng ilang ahensiya ng gobyerno at pribadong sektor.

Read more...