Amihan nakaka-apekto sa Hilagang Luzon – PAGASA

Patuloy na mararamdaman sa Hilagang Luzon ang epekto ng amihan, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Samantala, ang hangin mula sa silangan (easterlies) naman ang mamamayani sa natitirang bahagi ng Luzon, gayundin sa Visayas at Mindanao.

Nagbabala din ang ahensiya sa mga nasa Aurora, Isabela, Apayao, Batanes at Cagayan sa banta ng flashfloods at landslides kapag malakas ang buhos ng ulan.

Magiging maulap naman sa Gitnang Luzon, sa natitirang bahagi ng Cordillera Administrative Region at Cagayan Valley na may kalat-kalat na pag-ulan dahil pa rin sa amihan.

Samantala, ang Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa ay maaring maging maulap na may kalat-kalat na pag-ambon bunga ng “localized thunderstorms” at easterlies na nagmumula sa Pacific Ocean.

Read more...