Kumpiyansa si Senator Jinggoy Estrada na malaki ang maitutulong sa pag-unlad ng bansa ang pagsasabuhay ng usapang-pangkapayapaan ng gobyerno at National Democratic Front (NDF).
Ayon sa namumuno sa Senate Committee on Defense and Security ang hakbang ay ang maaring magwakas sa ilang dekada nang armadong pakikibaka ng NDF sa pamamagitan ng New People’s Army (NPA).
Kapuri-puri din aniya ang pagbibigay ni Pangulong Marcos Jr., ng amnestiya sa mga rebeldeng-komunista.
Bagamat, pag-amin ni Estrada, maaring maraming hamon ang sumulpot sa panibagong pagkakataon para sa seryosong negosasyon para sa kapayapaan sa bansa.
Pagbabahagi pa ni Estrada tutukan at susubaybayan niya ang mga magiging kaganapan sa magiging bagong usapang pangkapayapaan.