Uniformed personnel obligado na sa kontribusyon sa pensyon

 

 

Maoobliga nang magbayad ng kontribusyon para sa kanilang pensyon ang mga sundalo at iba pang uniformed personnel.

Base ito sa rekomendasyon ng tatlong komite sa Senado na nagsagawa ng mga pagdinig ukol sa mga panukalang reporma sa pensyon ng mga sundalo, pulis at iba pang uniformed personnel.

Ngunit nakasaad sa Committee Report No 173 na tanging ang mga papasok pa lamang sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG), PNP, Bureau of Fire Protection, Bureau of Corrections at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang mag-aambag na para sa kanilang pensyon.

Ang magiging kontribusyon ay pitong porsiyento ng kanilang base pay at longevity pay at ito ay tatapatan naman ng 14 porsiyento ng gobyerno.

Magtatatag din ng isang trust fund para sa AFP na pangangasiwaan ng Government Service Insurance System (GSIS).

Sa kanilang pagreretiro, 50 porsiyento ng kanilang base pay ang kanilang makukuha base sa kanilang huling ranggo.

Ayon kay Sen. Ronald dela Rosa aprubado ng economic managers ng gobyerno ang bersyon ng Senado ng panukala.

Kapansin-pansin na hindi nasunod ang nais ni Defense Sec. Gilbert Teodoro na kunin sa kanilang “assets” ang kontribusyon ng mga sundalo.

 

Read more...