KathNiel hiwalay na

 

Matapos ang 11 taon, hiwalay na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Ito ang kinumpirma ni Kathryn sa kanyang Instagram account.

“Chapter closed,” pahayag ni Kathryn.

Nagpapasalamat si Kathryn kay Daniel sa 11 taong pagsasama.

“These are 11 years that brought me joy, adventure, and the feeling of being home,” pahayag ni Kathryn.

Sa hiwalay na post, sinabi naman ni Daniel na malaking biyaya na mahalin si Kathryn.

“Sa mundo, buhay at sa limitadong oras na tayo ay nandito, isang malaking biyaya ang pagmamahal. Ang mahalin ka. At mahalin mo,” pahayag ni Daniel.

“Thank you for dancing with me during my highs and thank you for singing with me during my lows. Our lives may drift away, but our love will still ride that tide,” sabi ni Daniel.

 

Read more...