Wala nang presensya ng dayuhang terorista sa bansa.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines spokesman Colonel Medel Aguilar, disconnected na ang mga dayuhang terorista sa regional terrorist organizations sa bansa.
Katunayan, ayin kay Aguilar, mahina na rin ang puwersa ng Abu Sayyaf Group at nahihirapan na makalikom ng pondo para masuportahan ang mga illegal na aktibidad.
Ito rin aniya ang dahilan kung kaya itinutuon na ng AFP ang focus sa pagdepensa sa exclusive economic zones at maritime territorial sea na higit na pinakikinabangan ng taong bayan.
Ayon kay Aguilar, inililipat na ngayon ng AFP ang kapabilidad at kagamitan sa pagtuon sa territorial defense threats.
Matatandaang nagiging agresibo na ang China sa pag-angkin sa ilang bahagi sa West Philippine Sea.