SOMO sa Pasko malabo sa NDF

Walang tigil putukan na ipatutupad ang pamahalaan sa National Democratic Front ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Ito ay kahit na ipinag-utos na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panibagong panimula ng peace talks sa NDF.

Ayon kay ni Assistant Director General Jonathan Malaya ng National Security Council, walang suspension of military operations na ipatutupad ang pamahalaan kung kaya tuloy din ang law enforcement operation.

Paliwanag ni Malaya, ang joint statement ukol sa  peace talks ay exploratory efforts pa lamang.

Sabi ni Malaya, nagpahayag lamang ng kahandaan ang NDF na ibaba ang armadong pakikibaka.

Natural aniya na sasabihin ni Pangulong Marcos na bukas ito sa lahat ng paraan para tuldukan ang armadong pakikibaka.

Mayroon aniyang local peace agreement ang pamahalaan sa mga guerillas sa mga probinsya, mayroong amnestiya sa rebeldeng grupo at ang pinakahuli ang exploratory effort sa peace talks.

Sa ngayon, premature pa aniya ang peace talks kung kaya tuloy na muna ang focus ng military operations ng Armed Forces of the Philippines.

Katunayan, sinabi ni Malaya na maganda ang tempo ng AFP sa pagsugpo sa mga kalaban ng estado.

” Well, we just want to emphasize na wala pong suspension of military operations as far as we are concerned for the holiday season. Kasi ito pong peace talks na ito ‘no, iyong pinirmahan sa Oslo is just an exploratory effort – kumbaga nagdesisyon lang iyong dalawang panig kasi ang sabi po sa amin ng National Democratic Front, they’re prepared to forego the armed struggle. So, siyempre ang ating pangulo naman is open to all avenues to end the armed struggle,” pahayag ni Malaya.

 

Read more...