Entrance sa National Museum, libre na

 

Inquirer file photo

Kasabay ng opisyal na panunumpa ni Pangulong Rodrigo Duterte, inanunsyo ng National Museum ang isang malaking pagbabago sa kanilang hanay.

Sa post nila sa kanilang Facebook page, inanunsyo ng National Museum na free of charge na ang entrance fee sa lahat ng kanilang mga museo sa buong bansa.

Ayon sa kanilang pamunuan, ito ay dahil sa napansin nilang pagtaas ng dami ng mga bumibisita sa mga museo lalo na sa mga kabataan.

Kadalasang libre ang entrance fee sa museo tuwing National Arts Month sa buwan ng Pebrero, National Heritage Month tuwing Mayo, at National Museums and Galleries Month tuwing Oktubre.

Dagdag pa dito, sinabi rin nilang sa pamamagitan nito ay tiyak na mas maipagmamalaki nila ang mga pamana ng kultura at sining ng Pilipino sa mas maraming tao.

Magsisimula ang libreng entrance sa National Museum ngayong araw, July 1.

Dati ay may sinisingil na P50 para sa mga estudyante, P120 para sa mga senior citizens, P150 para sa mga adults at libre tuwing Linggo.

Ang National Museum ay bukas mula Martes hanggang Linggo, alas-10 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Read more...