2 suspek patay makaraang manlaban sa mga pulis

 

Patay ang dalawang suspek, isa dito itinuturing na isa sa most wanted sa Tanauan City sa Batangas matapos manlaban sa mga otoridad na magsisilbi ng warrant.

Ayon kay Supt Chitadel Gaoiran, tagapagsalita ng Calabarzon PNP, naganap ang insidente pasado ala una ng hapon Huwebes, o ilang minuto lamang matapos manumpa si Pangulong Rodrigo Duterte sa Sitio Sto. Nino, Brgy. Mayapa, Calamba City.

Nanlaban umano ang mga suspek na nakilalang sina Rene Gonzales alias Kadyo at Arnel Dar alyas idol dahilan kaya’t nabaril hanggang sa napatay ang mga ito.

Ani Gaoiran, sisilbihan sana ng arrest warrant sina Gonzales at Dar pero nang papalapit na ang mga pulis ay kaagad na bumunot ng baril ang mga ito kung kaya pinaputukan sila ng mga pulis.

May warrant of arrest si Gonzales dahil sa kasong attempted murder at kaso sa droga at number 4 most wanted sa Tanauan City, pero hindi naman malinaw kung ano ang kaso ni Dar.

Read more...