Labing dalawang bilateral meeting ang nakapila kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa sidelines sa pagdalo sa United Nations Framework Convention on Climate Change (COP28) sa Dubai, United Arab Emirates.
Sa pre-departure briefing sa Malakanyang, sinabi ni Foreiagn Affairs Assistant Secretary Teresa Almojuela, 12 bansa na ang nagpahapayag na makausap si Pangulong Marcos.
Nasa Dubai si Pangulong Marcos sa Nobyembre 30 hanggang Disyebre 2.
Magiging abala aniya ang Pangulo sa tatlong araw na pananatili sa Dubai.
Pagkalapag pa lamang aniya ni Pangulong Marcos, agad na haharap na ito sa Filipino community.
Sa susunod na dalawang araw naman, makakasama ng Pangulo ang iba pang world leaders at magsasalita sa World Climate Action Summit.
Pangungunahan din ni Pangulong Marcos ang pagbubukas ng Philippine Pavillion.
Magsisilbi rin na keynote speaker si Pangulong Marcos sa inihahandang side event kasama ang IOM director general, kung saan tatalakayin ang pangunguna ng Pilipinas sa pagsusulong ng pagkakaisa ng mga bansa laban sa Climate Change.