Pangulong Marcos dadalo sa COP28 sa Dubai

 

Dadalo si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa 28th Conference of the Parties to the United Nations Framework Convention on Climate Change (COP28) sa Dubai, United Arab Emirates sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 2.

Sa talumpati ni Pangulong Marcos sa turn-over ng  P541.44 milyong People’s Survival Fund (PSF) sa anim na local government units, sinabi nito na gagamitin niya ang COP28 para manawagan sa global community na maging committed  sa climate change mitigation programs.

“We will use this platform to rally to global community and call upon nations to honor their commitments, particularly in climate financing,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Sabi ni Pangulong Marcos, mahalaga ang COP28 lalo’t isa ang Pilipinas sa madalas tamaan ng climate change sa buong mundo.

“And so, we must do our part here in the Philippines,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“But we must also take the lead when it comes to the global move and the global aspiration that those most vulnerable communities around the world will somehow be assisted by the developing countries when it comes to these measures to mitigate and to adapt to climate change,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Ayon sa Pangulo, hindi lamang ang gobyerno ang may tungkulin sa climate change mitigation kundi ng bawat Filipino.

 

Read more...