Bibigyan ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ng tig P10,000 na pinansyal na ayuda ang mga pamilyang nasiraan ng tahanan dahil sa 6.8 magnitude na lindol sa Mindanao.
Ayon kay DHSUD Undersecretary for Disaster Response Randy Escolango, pagtalima na ito sa utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar na ayudahan ang mga nabiktima ng lindol.
“Ayon sa utos ng ating Secretary sa mga regional offices ay madaliin po yung pagproseso ng mga requirements at makipag-ugnayan agad sa respective LGUs para po ma-validate agad ng ROs at ma-endorse sa amin sa central office for approval and immediate release ng subsidy na ito upang mapakinabangan agad ng ating mga nangangailangan na kababayan,” pahayag ni Escolango.
Nasa 673 na bahay ang naiulat na totally damaged sa Regions 11 at 12.
Sinabi naman ni Acuzar na prayoridad ng kanilang hanay ang kaligtasan ng bawat pamilya.
“The recent calamities further push us to work harder to provide safe, decent and affordable housing units across the country through the 4PH program. We are motivated now, more than ever, to help relocate families living in danger zones to mitigate the effects of disasters. We see to it that we put them on top priority as every Filipino family deserves to live in resilient and sustainable communities,” pahayag ni Acuzar.