Hiniling ni Senator Lito Lapid ang pagpapalakas pa sa kampaniya laban sa mga smuggler ng mga produktong-agrikultural.
Ginawa ni Lapid ang panawagan sa pagbisita niya sa La Trinidad, Benguet, kung saan nakausap niya ang mga magsasaka.
Nagkaroon naman ng pagkakataon ang mga magsasaka na maipaalam kay Lapid ang epekto sa kanilang ng smuggling ng katulad ng kanilang mga produkto.
Ayon sa senador kapag naputol ang agricultural smuggling hindi na maghihirap ang mga magsasaka, na naghahatid ng mga pagkain sa hapag-kainan ng mga pamilyang Filipino.
Aniya dahil sa pagpupuslit ng mga produktong agrikultural papasok ng bansa nanlalamig na ang mga magsasaka na magtanim dahil nasasayang lang ang ginagawa nilang pagbubuhos ng panahon, dugo at pawis sa pagtatanim.
Nagpahayag na si Lapid ng suporta sa isinusulong na Anti-Agricultural Economic Sabotage bill, na layon mas mapabigat ang parusa at multa sa smugglers.