Inanunsiyo ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) ang karagdagang kontribusyon ng kanilang mga miyembro sa susunod na taon.
Sa panayam sa telebisyon, sinabi ni acting Vice President of the Corporate Affairs Group Rey Baleña na kung susundin ang schedule, kada buwan ay may limang porsiyentong kontribusyon, na mas mataas ng isang porsiyento kumpara sa sinisingil sa kasalukuyan.
Huling nagtaas ng kontribusyon noong nakaraang taon lamang.
“Sa kaso naman ng indirect contributors, ay ganun din. Five percent din ang ikakaltas na kargo lahat nya dahil wala syang employer,” sabi pa ni Baleña.
Kasabay naman aniya ng umento sa kontribusyon ay madadagdagan naman ang hemodialysis sessions at ito ay magiging 156 mula sa 90.
Tumaas din ng higit 100% ang coverage sa acute stroke at ang bagong outpatient mental health package.
Ang pagtaas o dagdag sa mga benepisyo ay alinsunod sa Universal Health Care Law.