2024 national budget lalagdaan ni Pangulong Marcos bago umalis patungong Japan

 

Lalagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang P5.768 trilyong 2024 national budget bago tumulak patungong Japan sa Disyenbre 16.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno na sasailalim sa bicameral conference committee agn budget sa Disyembre 1.

Sabi ni Diokno, may sapat na oras si Pangulong Marcos para lagdaan ang pambansang pondo.

”Kasi I was talking to the liaison officer, na-approved na kasi iyong budget eh, so they will go into conference, conference committee by December 1st. And so there is enough time bago umalis si President,” pahayag ni Diokno.

Dadalo si Pangulong Marcos sa ASEAN-Japan Friendship and Cooperation Commemorative Summit sa Disyemmbre 16 hanggang 18.

 

Read more...