Naghain ng resolusyon si Senator Risa Hontiveros para hikayatin ang Malakanyang na makipagtulungan sa International Criminal Court (ICC) sa pag-iimbestiga sa lagay ng karapatang-pantao sa Pilipinas.
Binanggit ni Hontiveros sa kanyang Senate Resolution No. 867 na mismong si Pangulong Marcos Jr., ang nangako na isusulong at pangangalagaan ang karapatang-pantao.
“The best way for Malacañang to show its commitment to upholding human rights is to work with the ICC in securing justice for human rights violations victims, and in upgrading mechanisms of human rights protections in the Philippines. Ayon sa mga pinakahuling pahayag ng Pangulo, mukhang posible itong kooperasyon na matagal nang hinihingi ng mga biktima ng human rights violations at ng kanilang pamilya,” sabi nito.
Dagdag pa niya kinumpirma na rin kamakailan ni Pangulong Marcos Jr., na pinag-aaralan na ng kanyang administrasyon ang pagbabalik ng Pilipinas sa ICC.
Amiya ang pagtalikod ng Pilipinas sa ICC base sa utos ng noon ay Pangulong Duterte ay hindi nangangahulugan na wala ng obligasyon ang bansa na makipagtulungan sa international tribunal.