Isang Plato, Sagot Ko Foundation inilunsad

 

Naging matagumpay ang paglulunsad ng “Isang Plato, Sagot Ko” Foundation, na itinatag ni Aileen Claire Olivarez kagabi sa Heritage Hotel, Pasay City.

Dumalo ang ilang opisyal ng gobyerno, mga lider ng komunidad at negosyante sa naturang pagtitipon.

Sa panayam kay Olivarez, may bahay Parañaque City Mayor Eric Olivarez, sinabi niya na ang pangunahing layon nila ay mabawasan kundi man matuldukan ang problema sa kagutuman at malnutrisyon sa kanilang lungsod.

Aniya hangad nila na magkaroon ng lipunan na walang nagugutom na mamamayan sa pamamagitan ng pagkakaisa.

“Our mission is to mobilize network of hunger warriors and champions who would promote food justice and equitable access to life-improving aids and resources for the marginalized and vulnerable communities,” ani Olivarez.

Sa kasalukuyan si Olivarez ang  City Nutrition Action Officer ng Parañaque City at aniya may 6,000 bata sa lungsod ang kulang sa nutrisyon, kulang sa timbang at kulang sa tangkad.

Paliwanag pa niya, hindi lamang sa “feeding program” nakatuon ang kanilang atensyon kundi magsasagawa din sila ng mga pagsasanay sa pagharap sa problema sa kagutuman at kakulangan ng nutrisyon.

Bukod sa pangangalap ng donasyon, nag-aalok din ang foundation ng “souvenir goods” at ang kikitain ay mapupunta sa kanilang mga proyekto at programa.

Read more...